MASAYA ANG MGA MAG-AARAL SA UNANG ARAW NG PASUKAN NG LIMITED FACE-TO-FACE CLASSES

Makikitang masaya ang mga bata kasama ng mga magulang sa kanilang pagbabalik eskwela. Dito sa Laserna Integrated School sa bayan ng Nabas, Aklan, mainit na sinalubong ng mga guro ang mga mag-aaral, kasama na ang mga magulang sa kanilang pagpasok sa paaralan.



Photos credit: DepEd Philippines

Sa kanilang pagapasok makikita na mahigpit na pinapatupad ng paaralan ang mga alituntunin upang masunod ang tamang proseso at ligtas na pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral. 

Ang mga opisyal, guro, mag-aaral at mga magulang/taga-pag alaga ay kinakailangang dumaan sa washing area, temperature checking at triage area upang masiguro ang kaligtasan ng lahat.





Photos credit: DepEd Philippines

Makikita sa larawan, na ang guro ay may suot na facemask habang nagsasalita sa harapan at ang mga bata naman ay protektado dahil maliban sa may mga facemask na sila at faceshield, ay ang bawat mesa ay may harang na binabalutan ng transparent cover nang sa ganun ay masisigurong ligtas ang pagpapatupad ng face-to-face classes. 


Photo credit: DepEd Philippines




Post a Comment

0 Comments